
Ganito lang kadali ‘yun. Kapag single ka, ayos lang lumandi basta ba single din ang nilalandi mo. Kapag single ka at taken na ‘yung lumalandi sa’yo, umiwas ka. Tandaan mong tao ka at hindi ahas. Kapag taken ka na, iwasang lumandi. Kapag taken ka at may lumalandi sa’yo, iwasang magpalandi at sabihin mo agad na taken ka o sabihin agad sa partner mo para habang maaga pa, mapatumba na agad ‘yung lumalandi. Trust and honesty lang ang kailangan para maiwasan ang pag-aaway dahil sa kalandian.